Saturday, June 17, 2017

West Visayas State University graduate, no. 1 sa NLE

Nagbunga ang pagsisikap ng topnotcher sa Nursing Licensure Examination na si Mary Angelie Cabanez matapos makamit ang tagumpay at maging no. 1 sa higit 11000 kumuha ng naturang pagsusulit sa buong bansa.

West Visayas State University graduate, no. 1 sa NLE

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, ibinahagi ni Cabanez ng Banga, Aklan na ikinagulat niya ng malaman ang resulta ng pagsusulit.

Ngunit sinabi rin ni Cabanez na ipinagdasal niya talagang maging top sa naging pagsusulit sa NLE at naging inspirasyon niya rin daw ang kaniyang pamilya.

Itinalang top 1 si Cabanez na nakakuha ng 86.20 percent na passing rate.

Sa ngayon, wala pa sa isip ng naturang topnotcher na magtrabaho sa ibang bansa.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.