Wednesday, June 21, 2017

Utos nang MMDA Chief na sunugin ang illegal vendor's stalls, itinanggi

Itinanggi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim ang report na inuutusan niya diumano ang mga lokal na opisyal ng Quezon City na sunugin ang mga stalls ng illegal vendors. 

"Iyung side comment ko na iyun, hindi naman literal," wika ni Lim sa panayam nito sa DZMM.

Ayon sa isang media report, sinabi ni Lim sa Barangay Balingasa Captain na si Ma. Teresa Montalbo na hindi maaaring pabalik-balik na lamang sila sa sidewalk ng Balintawak gayong nilinis na nila ang mga ilegal na nagtitinda dito.

"Sinabi ko na hindi naman pwedeng MMDA lang ang pabalik-balik diyan. Magtulungan tayo. Sabi ko nga, responsibilidad ninyo ito dahil kayo ang LGU dito,"ani Lim.

"Kung mayroon akong nabanggit na sunugin, siguro may side comment ako just to underscore the fact na iyung mga nakukuha nating gamit diyan, mga tables, mga upuan, hindi naman pwede kukumpiskahin tapos babalik na naman."

Inutos din ng MMDA chief sa mga lokal na opisyal na anumang uri ng mga nakumpiskang gamit mula sa ilegal na tindera ay itapon sa mga landfills at siguraduhing hindi makukuhang muli ng mga vendors.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.