Saturday, June 17, 2017

"Pinangat" ng Albay, kabilang sa listahan ng "Top 50 World Street Food"

Bumandera ang lutong Albay na pinangat sa Top 50 World Street Master's List sa isinagawang World Street Food Congress (WSFC) 2017 sa Maynila.

Isa sa mga ipinagmamalaking ethnic dishes ng lalawigan ang pinangat o laing na nilagyan ng gata at sili. Nakakuha ng pwestong ika-22 ang ethnic dish na ito ng Albay sa WSFC 2017 kasama ang iba pang masasarap na pagkain sa buong mundo.

Nakatanggap din ng papuri ang iba pang native Albay dishes katulad ng Bicol Express Risotto at pinangat burger.

Bukod sa Pinangat, kasama rin ang Hill St. Hwa Pork Noodle ng Singapore, Franklin's BBQ ng Austin sa Texas, USA at ang Che Paek Pu Ob Voon Sen ng Bangkok, Thailand sa top 50 dishes.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.