Friday, June 16, 2017

Ph Army nagpadala ng karagdagang 400 sundalo sa Marawi City

Bumuhos ng luha ang mga kaanak ng higit 400 sundalo sa send off ceremony ng mga ito patungong Marawi City. Ang mga sundalo ay kasapi ng 82nd infantry batallion na ipapadala dahil pa rin sa walang tigil na kaguluhan sa lugar.

Habang hinihintay ng mga sundalo ang dalawang C-130 plane na maghahatid sa kanila ngayong umaga, halu-halong emosyon ang bumuhos sa seremonya na dinaluhan din ng mga lokal na opisyal ng Panay at ni Msgr. Meliton Oso.

Send off ceremony para sa 82nd infantry batallion patungong Marawi City (PHOTO COURTESY OF BOMBORADYO)
Nagbigay ng payo si Maj. Gen. Jonathan Aying, commander ng 3rd infantry division, sa mga tauhan nito na magdasal at magtiwala sa Panginoon para sa kanilang kaligtasan.

Inihayag din ni Lt. Col. Vener Morga, commanding officer ng 82nd infantry batallion, na aagapay sila sa mga operasyon upang malinis na ang kaguluhan sa Marawi.

Bukod pa dito, sinabi rin niyang nakahanda ang tropa na ma-ideploy sa Marawi bagama't 90 porsiyento sa mga ito ay unang beses lamang madestino sa Mindanao.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.