Saturday, June 17, 2017

PDU30 "masamang damo"

Nagbigay ng pabirong komento si House Minority Leader Danilo Suarez patungkol sa ilang araw na pagkawala ng pangulo. "Katulad ng kasabihan, mahirap mamatay ang "masamang damo," 'ika ni Suarez.

"May kasabihan masamang damo matagal mamatay... I think it applies he is a bad grass but he is a good president," wika ni Suarez.

Magandang indikasyon na hinahanap ng publiko ang pangulo dahil namimiss siya ng mga tao at nagugustuhan ang pag-aksyon nito, para kay Suarez.

"Ako ay natutuwa na hinahanap ng mga tao ang presidente, maganda yung hinahanap ka ng tao ibig sabihin they give value to you. They want to hear what you want to say and they're happy that you are the president," dagdag pa ni Suarez.

Sinegundahan din ng mambabatas ang mga opisyal ng malacaƱang na 'wag nang pagdudahan kung sasabihin nilang nasa excellent health ang pangulo.

"Tingnan natin facial expression ng mga nagsasalita, they look sober and okay naman let's take their position that they telling the truth, doesn't look bothered or alarmed," wika ni Suarez.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.