Saturday, June 17, 2017

Katy Perry nagtala ng 100 milyong followers

Naitala sa kasaysayan si Pop Superstar Katy Perry bilang kauna unahang gumagamit ng social media application na twitter na nagkaroon ng isang daang milyong (100 Million) followers nito lamang ika labing anim ng Hunyo 2017.


"Today we #WITNESS history. 
Congratulations @katyperry, the first to reach 100 million followers! #LoveKaty." anang twitter sa isang post.

Kaugnay nito, kamakailan lamang ay naglive stream ang superstar sa loob ng 96 na oras upang ipakita sa mga tagahanga ang kanyang pang araw araw na pamumuhay.

Sa kabilang banda, ang pop rival ni Perry na si Taylor Swift ay mayroon nang 85 million followers samantalang si Justine Bieber ay mayroong 97 million followers.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.