Saturday, June 17, 2017

Glitch sa BPI at BDO, Iimbestigahan ni Sen. Escudero

Sen. Francis "Chiz" Escudero, chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institution and Currencies, interesado na imbestigahan ang nangyaring computer glitches ng BPI at BDO.


Ayon kay Escudero, kasado na sa Hunyo 21 ang imbestigasyon upang malaman ang naging sanhi ng pagkawala ng pera ng mga depositors sa kanilang mga accounts.

Iimbitahan din sa naturang imbestigasyon ang kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas bukod sa mga kinatawan ng dalawang bangko.

Nauna rito, naghain na rin si Senate President Aquilino "Koko" Pimentel ng resolusyon upang imbestigahan ang nangyaring problema sa BPI.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.