Wednesday, June 21, 2017

Darren, may sorpresa sa mga fans

Sinorpresa ni Darren Espanto ang kanyang mga taga-hanga.

Bumisita si Darren sa "Umagang kay Ganda (UKG) " nitong Huwebes upang ibahagi ang paglabas ng kanyang bagong album na "Be With Me".

Ayon kay Darren, kasama ang Malaysian pop singer na si Nik Qistina sa "deluxe edition" part ng kanyang album.

"Kasama din po diyan aming collaboration ni kuya Jed Madela na 'I'll Be There' at two songs na isinulat ko," ani Darren

Naging masaya ang karanasan kasama ang malaysian pop singer ayon kay Darren.

"It's always fun to collaborate with people who are also passionate about music," ani Darren.

Tumagal nang ilang araw bansa si Nik upang gawin ang nasabing proyekto.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.