Thursday, June 15, 2017

Bakbakang Mayweather - McGregor, Tuloy na

Nagkasundo na ang mga kampo ng undefeated boxer na si Floyd Mayweather Jr. at mixed martial arts champion na si Conor McGregor na magharap sa boxing ring sa darating na Agosto 26, 2017.

Tinapos na ng dalawang superstars ang paghihintay ng mga fans matapos kumpirmahin sa kani - kanilang social media accounts nito lamang Miyerkules (Hunyo 14, 2017) ang inaabangang laban.

"It's official!," sambit ni Mayweather.



Ayon sa Westgate Superbook sa Las Vegas, ang mga pupusta sa undefeated na si Mayweather ay magkakaroon ng 1/11 odds sa kani - kanilang mga taya. Ibig sabihin nito ang katumbas na panalo ng $11 ay $1 sakaling si Mayweather ang manalo. Samantalang magkakaroon naman ng 7/1 odds ang mga mananaya kay McGregor. Kung si McGregor ang mananalo, magkakaroon sila ng $7 sa bawat $1 na ipupusta.

Bagama't big underdog kung tawagin si mma superstar Conor McGregor sa labang ito dahil sa wala pang karanasan sa boksing, naniniwala si Dana White, UFC's President, na kakayanin ng naturang kampeon sa larangan ng mma ang undefeated na si Mayweather.

“I’m not saying Conor McGregor’s going to win; I’m not saying Floyd Mayweather’s going to win. But I’ll tell you this, the reason Conor McGregor is as big as he is, is he will fight anybody, anytime, anywhere. He will go after Floyd Mayweather, and he will try to knock him out.” sabi ni White sa panayam nito sa MMAJunkie.com.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.