Friday, June 16, 2017

Alvarez, bukas sa ideyang palawigin ang Martial Law hanggang 2022

MAYNILA, Pilipinas - Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, bukas siya sa ideyang palawigin ang Martial Law hanggang 2022 upang mas maging madali ang pagbangon ng Marawi City at mabilis na masolusyonan ang iba pang problema ng rehiyon.

"This is just my personal view, okay? This is not the position of Congress. I have to make it clear," ayon kay Alvarez.

Sinabi ni Alvarez ang ideyang ito pagkatapos ng oral arguments ng Supreme Court patungkol sa pag-aalis ng bisa ng Proclamation 216 o ang idineklarang 60 - day Martial Law sa Mindanao dahil sa mga teroristang Maute simula noong Mayo 23.

“I would like to extend this up to the end of the term of the President. My grounds: To really ensure the end of this conflict in Mindanao, and to fast-track the infrastructure projects. This is for our interest, isn’t it?” wika ni Alvarez.

“They have to respect the will of the Mindanaoans. If that’s what we wanted why should [people outside Mindanao] meddle? We want [this region] to develop," dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din ni Alvarez na napakalaking iba ng Martial Law ng administrasyong Duterte pagdating sa paggamit ng pwersang militar kumpara sa rehimeng Marcos kung saan maraming takot na Pilipino sa mga militar.

“Now, only the criminals and terrorists are afraid. Law-abiding citizens do not fear the military,” wika ni Alvarez.
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.