Friday, June 16, 2017

7-Eleven Franchising mas ginawang abot kaya sa halagang P300,000

Ginawang mas abot-kaya ng  Philippine Seven Corp. (PSC) ang pag-franchise ng 7/11 stores. Sa halagang P300,000, magkakaroon na ang mga negosyante ng kanilang sariling 7/11 convenience store.


Pinagpaplanuhan din ng PSC na maglabas ng kabuuang P3.5 billion upang makapagbukas nang 400 stores at makapagparenovate ng iba pang mga stores ngayong taon. Nakapagtala ng 1,995 stores ang kumpanya noong nakaraang taon. At bago matapos ang Mayo ngayong taon, nakapagtayo sila ng 2,071 kabuuang stores. Umabot din ito ng halos 70 porsiyentong market share.

“We’re also looking at franchising out existing stores. We have a new franchise package which we’re testing and we’ll be rolling out this year with very low minimal investment,” ayon kay PSC President Jose Victor Paterno.

“Basically, we want people who are willing to work in the stores.The idea is to get ex-employees, people who have managed QSRs (quick service restaurants), people with real skills but not much capital,” dagdag pa ni Paterno.

"This is meant to address true entrepreneurs," wika ni Paterno.

Dagdag pa dito, sinabi rin niyang isa itong magandang oportunidad para sa mga taong may kakayahan magpatakbo ng naturang negosyo.

"The P300,000 outlay was basically just a deposit that the prospective franchisee would eventually get back. It’s just an assurance that the new investor “won’t run away with the weekend sales,” pagpapaliwanag ni Paterno.

Sa ilalim ng sistemang ito, sinumang mag - avail ng package ay magkakaroon ng sariling store na pagmamay - ari ng PSC, kung saan ang store ay nag - ooperate na ng isang taon. Bukod pa dito, mismong PSC ang sasagot sa bayarin ng kuryente at maintenance ng naturang store. Ipinaliwanag din niyang mas magiging mababa ang profit share ng bagong package kumpara sa mga nag franchise sa halagang P1-million noong nakaraang taon at P3.5-million sa mga mas nauna pa dahil mas mataas ang risk ng mga ito.

Sa ngayon, nakapagtala na ng 50 stores ang kumpanya sa P300,000 package nito at inaasahan na mas marami pa ang mabibigyan ng pagkakataong makapag-franchise sa bagong package. 

ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.